SRP ng Noche Buena products, walang pagbabago – DTI

72

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng Suggested Retail Prices (SRP) ng mga produktong ngayong holiday season.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, halos walang pagbabago sa SRP ng ham, keso de bola, cheese, sandwich spread, mayonnaise, pasta, spaghetti sauce, tomato sauce, at all-purpose cream.

Aniya, 110 Shelf-Keeping Units (SKUs) o product variants ang hindi binago ang presyo ng kanilang mga produkto habang 20 SKUs ang nagbaba ng kanilang presyo.


Pinaalalahanan naman ng DTI ang mga mamimili na sumunod sa health protocols kagaya ng pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing.

Facebook Comments