Inatasan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Epidemiology Bureau para alamin at i-report ang trend o galaw ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang gagamitin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Disease (IATF-EID) para sa rekomendasyon na ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa susunod na hakbang ng pamahalaan.
Sa ngayon ay hindi pa masasabi ng DOH kung pababa na ba ang trend ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Kahapon ay naitala ng DOH ang pinakamaraming bilang ng nasawi at recoveries sa loob ng isang araw.
50 na panibago ang nadagdag sa bilang sa 297 na nasawi at 40 sa 197 na gumaling sa sakit.
Sa ngayon ay pumalo nasa 4,648 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 220 rito ang new cases.