Inaalam at iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang sanhi ng umano’y diarrhea outbreak sa bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental.
Sinabi ng DOH na hinihintay pa nila mula sa kanilang regional office ang ulat at handa naman silang maglabas ng update sa lalong madaling panahon.
Batay sa ulat, isang Emilio Sumanday, 68-anyos ang namatay habang 33 iba pa ang naospital dahil sa diarrhea.
Napag-alaman na walang malinis na suplay o water district sa nasabing lugar kung saan ang mga residente ay kumukuha ng tubig sa pamamagitan ng poso habang ang iba ay nag-iigib sa bukal at ilog.
Kasalukuyan naman tinutukan ang kalagayan ng 33 na mga pasyente na nakakaranas ng diarrhea sa District Hospital ng bayan ng Jose Abad Santos.
Facebook Comments