Isang bus sa Quezon City nasunog, dalawa patay

Patuloy na inaalam ng mga mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Quezon City Traffic Division ang dahilan kung bakit nasunog ang isang bus na ikinasawi ng dalawang katao sa Pearl Drive, Greater Fairview kanto Commonwealth Quezon City.

Ayon sa mga otoridad, hindi pa malaman kung bakit biglang lumiyab ang bus at mabilis na kumalat na ikinasawi ng dalawang hindi pa nakilalang biktima.

Nagsasagawa naman ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad upang malaman ang tunay na kadahilanan ng naturang sunog.


Sa ngayon, inaalam na kung babae o lalaki o mga bata ang nasawi sa naturang pagkasunog ng bus at kung sino ang driver at pangalan ng bus.

Facebook Comments