DOH, iniimbestigahan na ang paglobo ng severe at critical case ng COVID-19 sa Metro Manila

Beneberipika na ng Department of Health (DOH) ang ulat ng biglaang pagtaas o pagdami ng COVID-19 na nasa severe at critical cases.

Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, tatlong araw pa lamang nang mangyari ang dalawang porsyentong pagtaas ng severe at critical cases ng COVID-19 dito sa Metro Manila.

Kasunod nito, nilinaw ng opisyal na walang dapat na ikabahala sa nasabing impormasyon dahil sumasailalim pa ito sa validation.


Paliwanag pa ni Vega, saka-sakali mang magkaroon ng surge sa critical at severe cases ay may sapat na health care capacity ang Metro Manila.

Sa ngayon ay nasa 49% ng ICU beds ang pwedeng magamit habang 74% naman ang sa mga mechanical ventillators.

Facebook Comments