DOH, inirekomenda ang pagkakaroon ng sariling pulse oximeter sa tahanan

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng sariling pulse oximeter sa bahay.

Layon nito na ma-monitor ang oxygen levels ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag bumaba na sa 90 ang oxygen level , dapat aniyang magpakonsulta na ang pasyente sa ospital


Nilinaw din ni Vergeire na ang anumang sakit ay talagang nagsisimula sa mild na kaso.

Ang paglilinaw ni Vergeire ay kasunod ng naiulat na may ilang mild COVID cases ang bigla na lamang na kinakapos sa hininga hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay.

Facebook Comments