MANILA – Inirekomenda ng Department of Health na isama ang e-cigarettes at vapes sa pinaplanong executive order para sa public smoking ban.Ayon kay DOH Spokesman Dr. Eric Tayag, may mga mag-aaral na nagsasabing may masamang epekto rin ang mga ito sa kalusugan ng tao.Ang e-cigarette ay gumagamit ng liquefied nicotine at hindi gaanong nakakalason ang usok mula dito kumpara sa normal na sigarilyo na gawa sa tobacco.Pero, ayon kay Tayag, posibleng may mga masamang epekto pa rin ang mga klemikal mula sa e-cigarette.Taging pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para sa naturang executive order.
Facebook Comments