DOH, ipinasa sa DOJ ang hurisdiksyon sa pagsasapubliko ng kalagayan ng mga inmate na nagpopositibo sa COVID-19

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nasa kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasapubliko sa kalagayan ng Persons Deprived of Liberty (PDL) na tinamaan ng COVID-19.

Ang paglilinaw ay ginawa ng DOH matapos na magduda ang ilan sa sinasabing pagkasawi ni convicted drug lord Jaybee Sebastian sa COVID-19.

Sinasabing agad na isinailalim sa cremation ang labi ni Sebastian ngunit may mga haka-haka na posibleng pinatakas ito.


Nilinaw rin ng DOH na parehong health protocols o screening procedures ang pinaiiral nila sa mga bilanggong nagpopositibo sa virus.

Kanina, humarap kay Justice Sec. Menardo Guevarra si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag matapos ipatawag ng kalihim para magpaliwanag sa sitwasyon ng mga inmates sa New Bilibid Prisons na tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments