Dalawa pang barangay sa Pasay City, idineklara bilang critical zones dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

Dalawa pang barangay sa Pasay City ang idineklarang critical zones dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Partikular ang Barangay 177 na may 17 confirmed active cases at ang Brgy. 185 na may anim na confirmed active cases.

Sa ngayon, 16 na mga barangay na sa Pasay City ang idineklarang critical zones.


Muli namang nagpaalala si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga residente ng lungsod na panatilihin ang mahigpit na pagsunod sa health at safety protocols.

Facebook Comments