Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ng Department of Health (DOH) na taasan pa ng 60% ang buwis sa mga tobacco products pagdating ng 2018.
Isang paraan ito ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, upang mapababa ang bilang ng mga naninigarilyo sa kasalukuyan.
Makatutulong rin ang pagtataas ng buwis para maiwasan ang 45 sakit na karaniwang nakukuha sa paninigarilyo tulad ng lung cancer, chronic lung disease, stroke at heart attack.
Ayon sa kalihim, isinusulong ng ahensya na gamitin ang kikitain sa nasabing tax reform para masolusyunan ang malnutrisyon sa bansa.
Aniya, sa oras na mapatupad ito, mas marami ng mahihirap na Pilipino ang makikinabang.
Facebook Comments