DOH, itinangging may bagong COVID-19 strain na target ang mga may edad 20 hanggang 49

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na may bagong strain ng COVID-19 kung saan ang tanging tinatamaan lamang ay mga edad 20 hanggang 49.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi totoong may bagong strain ng Coronavirus sa bansa.

Aniya, kaya ang naturang age group ang madalas tamaan ng COVID-19 ay dahil sila ang mga lumalabas ng bahay para magtrabaho o mamili.


Kasabay nito, pinayagan na ng DOH ang mga private laboratories na magkolekta ng specimen mula sa tahanan ng mga suspected COVID-19 cases.

Paliwanag ni Vergeire, ang home collection ay extension ng serbisyo mula sa isang lisensyadong laboratoryo na maaaring magbigay ng home service.

Gayunman, kailangan aniyang ipaalam ng laboratoryo sa DOH na mag-aalok sila ng ganitong serbisyo para sa monitoring purposes.

Maliban dito, ang mga personnel na magsasagawa nito ay dapat nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE).

Facebook Comments