Nag-abandona sa isang matandang babae, hawak na ng MPD

Hawak na ng Manila Police District (MPD) Special Mayor Reaction Team ang ilang indibidwal na sinasabing nang-iwan sa isang matandang babae sa MacArthur Bridge sa Maynila.

Ayon kay MPD-SMART Chief P/Major Jhun Ibay, inihahanda na nila ang isasampang kaso laban kina Emerita Desilio at Efraim Tan Yap, matapos na abandonahin si Fulgencia Tan, 76-anyos, na nakitang nakahiga lamang sa karton at naka-diaper nang ma-rescue ng mga opisyal ng barangay.

Paliwanag naman ni Desilio, napag-utusan lamang siya na alagaan si Fulgencia, pero dahil sa hirap ng buhay bilang sampaguita vendor kaya naisipan niyang iwanan sa MacArthur Bridge ang matanda.


Napag-alaman na ang isa sa mga suspek na si Efraim ay pamangkin ng matanda.

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng mga suspek, kasama na ang tricycle driver na sinakyan nila para itapon si Lola Fulgencia.

Facebook Comments