Itinanggi ng Department of Health na mayroong kondisyon na hiniling ang isang US-based manufacturers ng COVID-19 vaccine sa kanila bilang kapalit ng bakunang ipagkakaloob sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa kanilang pag-uusap, hindi totoong umapela sa kanila ang US-based manufacturers para palayain si US Marine Joseph Scott Pemberton kapalit ang bakuna.
Ang paglilinaw ng DOH ay kasunod ng naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na may bakunang kapalit ang pagbibigay ng absolote pardon kay Pemberton ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, posibleng napag-usapan ang pardon kay Pemberton sa farewell call ni US Ambassador Sung Kim kay Pangulong Duterte noong Lunes.
Pero, mariing itinanggi naman ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Kung saan sinabi nito na maging si Ambassador Kim ay nabigla sa isyu.