Asia’s Next Top Model Cycle 5 winner Maureen Wroblewitz, suportado ang paglie-low ng boyfriend na si JK Labajo sa social media

Suportado ni Asia’s Next Top Model Cycle 5 winner Maureen Wroblewitz ang pagtigil muna ng kaniyang boyfriend na si JK Labajo sa social media para mag-detoxify.

Say ni Maureen, napag-usapan na nila kung permanente na ba o pansamantala lang itong pamamahinga ni JK sa social media pero ayaw niya itong pangunahan.

Dagdag pa ng modelo, suportado niya anuman ang maging desisyon ng kaniyang boyfriend at lagi siyang nasa tabi nito.


Sa ngayon, hindi pa masabi ni Maureen kung ano ang plano ni JK sa karera nito, pero bukas naman daw ito sa pagkuwento sa kanya ng kung ano ang pinagkakaabalahan nito.

Facebook Comments