Itinanggi ng Department of Health (DOH) na expired ang mga bakunang ginagamit nila para sa booster shots.
Ayon kay Health Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, ang mga bakunang ginagamit nila ay sumailalim sa shelf extension kung saan nakikipag-ugnayan ang DOH sa manufacturers nito at inaalam kung maari pa itong magamit.
Ipinaliwanag ni Vergeire na kapag nag-extend ng shelf life ang isang manufacturer ay dumadaan ito sa masusing pag-aaral.
Nilinaw rin ng opisyal na ang ipinamamahagi ng DOH na bakuna ay tiyak na epektibo.
Facebook Comments