Pangulong Marcos Jr., bibisita sa Istiqlal Mosque sa Jakarta

62

Bibisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Istiqlal Mosque at Jakarta Cathedral ngayong gabi bago tumungo pa Singapore bukas ng umaga para sa kaniyang ikalawang state visit.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, si First Lady Louise Araneta-Marcos naman ay mayroon ding hiwalay na pulong kasama ni Indonesian First Lady Iriana Joko Widodo.

Kaninang umaga, bukod sa sunod-sunod na kaganapan sa Bogor Presidential Palace kasama si Indonesian President Joko Widodo at business leaders ng Indonesia, una na ring tumungo ang pangulo sa Kalibata National Heroes’ Memorial Park para sa wreath-laying ceremony.


Sa kaganapang ito, binigyang pagkilala ni Pangulong Marcos Jr., ang mga bayani sa Indonesia na nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kanilang kasarinlan.

Facebook Comments