DOH, itinangging may pagkukulang ang gobyerno kaya bumalik ang Polio sa bansa

Pumalag ang Department of Health (DOH) sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na may pagkukulang ang gobyerno kaya muling nagkaroon ng Polio sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang dahilan kung bakit bumalik ang Polio ay takot ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Nanawagan ang kalihim sa WHO na klaruhin ang Polio Free Classification nito sa Pilipinas kahit mayroong dalawang kaso ng Polio sa bansa.


Kasabay nito, pinag-aaralan na rin ng doh kung isasama ang bakuna kontra meningococcemia sa National Immunization Program.

Sa datos ng ahensya, 66% ng mga bata ang sakop ng kanilang Immunization Program noong 2018, malayo sa target na 95%.

Facebook Comments