Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi nila minamanipula ang COVID-19 data.
Ayon sa ahensya, kinikilala nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng data-driven ng COVID response.
Kaya mas sinisikap nila na makapagbigay ng mas accurate at mas real-time na mga datos.
Ang DOH ay nagpatupad ng daily time-based tagging ng recoveries mula nitong April 19 para napapanahon at tama ang mga nailalabas na bilang ng kaso.
Paliwanag pa ng DOH, tanging mga mild o asymptomatic cases na may higit 10 araw mula sa petsa ng pagkakaroon nila ng sakit para sa mild cases, at petsa ng specimen collection para sa asymptomatic cases, at ituturing nang recoveries basta ang kanilang health status ay hindi na nagkaroon ng progression paglagpas ng ika-sampung araw.
Facebook Comments