DOH, itinangging nagpabaya kasunod ng pagdami ng kaso ng Indian variant sa bansa

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na nagpapabaya sila sa kanilang tungkulin makaraang umabot na sa labing dalawa ang kaso ng Indian variant sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinabi nito na mahigpit ang kanilang monitoring at pagpapatupad ng quarantine restriction simula ng magpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa mga bansang may kaso ng Indian variant.

Sa katunayan aniya, ang siyam mula sa 12-kaso na naitala sa bansa ay mula sa cargo ship na MV Athens na pinayagang makadaong sa Maynila dahil sa humanitarian reason habang ang tatlo ay nakapasok sa bansa noong hindi pa umiiral ang travel ban.


Facebook Comments