Patuloy na pagsunod sa health protocols ng publiko, ipinanawagan ni Antique Rep. Loren Legarda

32

Kasabay ng pag-downgrade ng quarantine status sa National Capital Region (NCR) Plus, nanawagan ngayon si 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Legarda na ang pagbaba ng quarantine status sa NCR Plus ay isang magandang indikasyon na bumababa na rin ang kaso ng COVID-19 at malaking tulong sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya partikular na sa turismo at personal care services


Pero paalala ng senador, huwag pa ring magpakakampante ang publiko, laging sumunod sa mga health protocols at alagaan ang kalusugan dahil nandyan pa rin ang banta ng virus.

Facebook Comments