Umabot na sa 233 ang kaso ng rabies sa buong bansa ngayong taon at pumalo sa 100% ang fatality rate nito.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) noong August 20, 2022.
Ayon sa DOH, sa naturang bilang ay lahat ng mga naitalang kaso ay nasawi.
Ang mga kaso ng rabies ay nasa pagitan ng edad tatlong taong gulang hanggang walongpu’t pitong taong gulang.
Pero, karamihan o 36 na mga kaso ay katumbas ng 50% sa kabuuang bilang na nasa 60 years old pataas.
Kasunod nito, patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na mag-ingat laban sa rabies.
Dagdag pa ng ahensya, mabuti na rin na maging responsableng pet owner at nabakunahan ang mga alaga kontra rabies.
Facebook Comments