PAL, nakikipag-ugnayan na sa mga pasahero ng kanilang flight kung saan may nagpositibo sa monkeypox

108

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Airlines (PAL) sa 95 passengers ng PAL flight PR 300 mula Manila to Hong Kong na nakasabay ng pasaherong nagpositibo sa monkeypox virus.

Ayon kay PAL Spokesman Cielo Villaluna, nagpadala na sila ng komunikasyon sa naturang mga pasahero.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang PAL sa Central Heath Protection ng Department of Health Hong Kong para sa contact tracing.


Nagbigay na rin sila ng contact numbers sa PAL Hong Kong sakaling mayroon sa mga pasahero ang makaranas ng sintomas.

Ang Filipino passenger ng PAL ay nagpositibo sa monkeypox virus nang dumating doon at siya ay naka-confine ngayon sa ospital sa Hong Kong pero bukas ay lalabas na ito sa pagamutan.

Facebook Comments