DOH, kinalampag ni Senator Villanueva dahil sa atrasadong sweldo ng contact tracers

Ikinabahala ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang report na hindi pa rin napapa-sweldo ang mga contact tracers na kinuha ng Department of Health (DOH) noong Mayo at Hunyo.

Dismayado si Villanueva na matatapos na ang kontrata ngayong buwan ng nabanggit na mga contact tracers pero hindi pa sila sumasahod.

Para kay Villanueva, hindi dahilan ang kakulangan ng mga kailangang dokumento para hindi pasahurin ang mga contact tracers na tumupad na sa kanilang trabaho.


Sa tingin ni Villanueva ang atrasadong pasweldo ang maaaring dahilan kaya nahihirapan ang gobyerno na kumuha ng mga manggagawa.

Dahil dito ay hindi na nasu-sorpresa si Villanueva kung bakit mas gusto pa ng ating mga health workers na magtrabaho sa ibang bansa sa halip na maglingkod dito sa Pilipinas.

Facebook Comments