Kinontra ng Department of Health (DOH) ang pahayag na posibleng alisin na ang pagsusuot ng face mask kapag napanatiling mababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinakahuling aalisin na patakaran ang pagsusuot ng face mask.
Aniya, mababa pa ang antas ng mga nabigyan ng booster shot sa bansa.
Maliban dito, ang pagsusuot ng face mask ay nagbibigay rin ng proteksyon sa ibang mga sakit gaya ng respiratory diseases.
Giit pa ni Vergeire, walang nakakaalam kung kailan mangyayari ang endemic stage o kinakaya na ng bansa na tugunan ang COVID-19.
Facebook Comments