Quarantine announcement na kumakalat sa social media, “fake news” – DOH

106

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi totoo ang kumakalat sa social media na quarantine announcement.

Batay sa nasabing post, isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ayon sa DOH, hindi na ginagamit ng pamahalaan ang GCQ dahil alert system na ang umiiral.


Hinimok naman ng kagawaran ang publiko na pumunta muna sa mga lehitimong social media page ng DOH para sa mga tamang impormasyon.

Facebook Comments