DOH, kinumpirma ang unang kaso ng namatay sa paputok

 

Kinumpirma na ng Department of Health (DOH), ang unang kaso ng namatay dahil sa paputok at sugatan naman dahil sa stray bullet.

Sa datos ng DOH, ang namatay sa paputok ay isang 38 anyos na lalake sa Ilocos Region na nagsindi ng sigarilyo habang nakikipag-inuman malapit sa mga nakatagong paputok.

Samantala, ang unang kaso naman ng stray bullet injury ay isang 23 anyos mula Davao Region na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng likod.


Sa Fireworks Related Injuries Report ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 212 ang mga naputukan kaya’t umakyat na sa 443 ang lahat ng nasaktan dahil sa paputok.

Sa 443, isa ang dahil sa paglulon ng watusi at isa ang biktima ng stray bullet.

Nabatid na 254 sa mga kaso ay mula sa NCR habang 36 ang naitala sa Ilocos Region, 35 sa Cagayan Valley at 28 sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (CALABARZON).

Facebook Comments