DOH, kinumpirma na patuloy ang pagbaba ng bilang ng healthcare workers na nagpo-positibo sa COVID-19

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa kabuuang 1,819 COVID cases sa healthcare workers, 350 dito ang gumaling na,habang 1,435 ang active case.

Pinapayuhan naman ng Department of Health (DOH) ang healthcare workers na nawalan ng trabaho sa mga naluging ospital na mag-apply na lamang sa ilalim ng kanilang emergency hiring program.

Pinasalamatan naman ng DOH ang Japanese Government sa pinaabot nitong katiyakan na pagbabahagi sa pilipinas ng kanilang natuklasan na gamot sa COVID-19 na Avigan.


Ayon kay Undersecretary Vergeire, agad nilang isasailalim sa clinical trials ang nasabing gamot.

Gayunman, pinag-iingat naman ng DOH ang publiko sa paggamit ng Avigan dahil mapanganib ito sa mga buntis.

Samantala, pinapayuhan naman ng DOH ang mga employer na makipag-ugnayan sa labor department kaugnay ng pagbabalik-trabaho ng kanilang mga manggagawa.

Ayon kay Undersecretary Vergeire, dapat maging alerto ang employers sa mga empleyado nilang magrerehistro ng temperatura na 37.5 centigrade.

Facebook Comments