DOH, kinumpirmang babaguhin ng IATF ang panuntunan sa paggamit sa rapid test

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na babaguhin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga panuntunan sa paggamit ng rapid antigen testing.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na huwag nang gagamitin ang rapid test para sa travelers.

Ang hakbang ng WHO ay kasunod ng pagpositibo ng travelers sa COVID-19 sa kabila ng negatibo sila sa rapid test.


Ilan na ring mga insidente ang naiulat hinggil sa pag-false negative ng mga sumailalim sa rapid test.

Maging sa ibayong dagat ay hindi tinatanggap ng mga gobyerno doon ang rapid test result at sa halip ay COVID-19 RT-PCR result lamang.

Facebook Comments