Manila, Philippines – Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroong over supplies ng bakuna kontra tigdas sa bansa.
Ayon kay Duque, marami sa mga bakuna kontra tigdas na binili ng pamahalaan noong nakaraang taon ang hindi nagamit dahil kakaunti lang ang nagpabakuna.
Aniya, mapipigilan sana ang outbreak ng tigdas kung maagang pinabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak.
Matatandaang itinaas ng DOH ang “red flag” sa Metro Manila at sa ibang rehiyon sa Luzon at eastern at central Visayas kaugnay ng pagdami ng kaso ng tigdas.
Sa datos ng DOH mula January 1 hanggang 19 ngayong taon pumalo na sa 1,674 na kaso ng tigdas ang naitala sa mga buong bansa.
Pinakamarami rito ay sa Calabarzon na nasa 575 kung saan siyam rito ang namatay at ito ay 2,538 percent na mas mataas kumpara sa 21 kasong naitala sa kaparehong panahon noong 2018.
Sumunod ang NCR na ay 441 measles cases; Region III, 192; Region VI, 104; Region VII, 71; Mimaropa, 70; Region I, 64; Region X, 60; Region VIII, 54 at Region XII, 43.