DOH, kinumpirmang natunton na ang isa sa crew members ng tugboat mula Indonesia na positibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na natunton na ang isa sa 12-crew member ng tugboat na MT Clyde mula Indonesia na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ang naturang tripulante ay naka-isolate na gayundin ang pamilya nito.

Habang nagpapatuloy aniya ang contact tracing sa iba pang nakasalamuha nito.


Sinabi ni Vergeire na ang labing isang tripulante naman na nasa MT Clyde at nagpositibo rin sa COVID-19 ay mahigpit na binabantayan ngayon habang nakadaong sa Sto. Domingo, Albay.

Ang tugboat at isang barge na mula sa Indonesia ay bantay-sarado ng Philippine Coast Guard o PCG.

Kinumpirma rin ni Vergeire na naipadala na sa Philippine Genome Center ang limang samples mula sa 12 crew na nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments