Unang batch ng AstraZeneca na binili ng Caloocan LGU, dumating na

49

Dumating na ang unang batch ng AstraZeneca vaccines na binili ng pamahalaang lokal ng Caloocan.

Nasa Nasa 17,200 doses ang inisyal na dumating kahapon sa lungsod, ayon sa City Health Department.


May kabuuang 600,000 doses ng bakuna ng AstraZeneca ang binili ng Pamahalaang Lungsod para sa mass vaccination program nito.

Natanggap na rin ng Caloocan Local Government Unit (LGU) ang nasa 10,300 doses ng Johnson & Johnson single-shot COVID-19 vaccines mula sa pamahalaang nasyunal.

Ilalaan ang mga ito para sa vaccination ng mga senior citizen o taong nasa A2 priority group.

Facebook Comments