DOH, kukuha ng karagdagang 30,000 medical personnels at vaccinators

Kukuha ang Department of Health (DOH) ng mahigit 30,000 na medical personnels, vaccinators, at mga screeners bilang bahagi ng kanilang COVID-19 response.

Ang pondong gagamitin ng DOH sa pag-hire ng karagdagang medical frontliners ay kukunin sa hinihintay nilang supplemental budget na ₱66 billion sa ilalim ng Bayanihan 3 proposal.

Sa nasabing supplemental budget din kukunin ang para sa special risk allowance at hazard pay ng healthcare workers.


Ayon sa DOH, ang ₱66 billion na kanilang inaabangan ay gagamitin nila sa kampanya sa paglaban sa COVID-19 hanggang sa Disyembre.

Facebook Comments