DOH, mag-a-apply ng EUA para sa Sinopharm vaccines

Nakatakdang maghain ngayong araw ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinopharm COVID-19 vaccine ang Department of Health (DOH).

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, inatasan niya ang ahensya na kumuha ng EUA ng bakuna para hindi na kakailanganin pa ng bansa na ibalik ang donasyong ito ng China.

Noong nakaraang linggo nang bakunahan si Pangulong Rodrigo Duterte gamit ang Sinopharm vaccine.


Pero inulan siya ng batikos dahil sa paggamit ng bakunang walang EUA mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments