Magbibigay na rin ng home care services at telemedicine ang Department of Health (DOH) dahil sa pagtuloy na pagtaas ng COVID-19 cases nitong Marso hanggang Abril.
Ito’y matapos umabot sa 64% ang Intensive Care Unit (ICU) occupancy rate para sa COVID-19 patients.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dinagdagan nila ang bilang ng ICU beds hanggang 500 upang mabawasan ang congestion sa mga ospital.
Dagdag ni Vergeire, 98 porsyento ng COVID-19 ay mild at asymptomatic, at hindi na kailangang i-admit sa mga hospital.
As of May 1, 2021, ang bed occupancy rate sa NCR ay 56.8% para sa 9,803 COVID-19 patients.
Facebook Comments