DOH MAGBIBIGAY NG INSENTIBO SAMGA LGU’s SA REHIYON UNO, PARA SA LAYUNING MARAMING BATA ANG MABAKUNAHAN KONTRAMEASLES, RUBELLA AT POLIO

Magbibigay ang Department of Health (DOH) Ilocos ng mobilization funds at financial incentives sa mga local government units (LGUs) sa rehiyon upang matugunan ang kanilang mga target sa pagbabakuna at matugunan ang dumaraming bilang ng mga madaling kapitan ng sakit na maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Sa isang pahayag, sinabi ni DOH Ilocos regional director Paula Paz Sydiongco na ang mobilization fund ay tutulong sa mga LGU sa financial processes at upang madagdagan ang kanilang alokasyon para sa patuloy na kampanya ng Measles-Rubella at bivalent Oral Polio virus Vaccine Supplementary Immunization Activities campaign ng DOH.
Dagdag pa niya na ang mga piling health personnel, technical staff, administrative support at immunization coordinators sa regional at provincial level na magsisilbing coordinator, supervisor at monitor sa panahon ng kampanya ay bibigyan din ng mga insentibo.
Inihayag ng ahensya ang bawat insentibo na kanilang matatanggap sa kanilang opisyal na anunsyo at mangyaring itanong sa kanilang tanggapan ang maaari nilang matanggap.
Upang makatanggap ng insentibo, ay ibabase umano sa bilang ng mga batang nabakunahan ayon sa target na populasyon.
Nagpasalamat si Sydiongco sa mga LGU at sa mga health worker gayundin sa mga magulang na nagpabakuna sa kanilang mga anak.
Panawagan ngayon ng ahensya na makiisa sa kampanyang ito dahil para rin umano sa kapakanan at sa kalusugan ng mga bata.
Facebook Comments