DOH, magdadagdag ng oxygen supply kontra Delta variant

Naghahanda na ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtaas ng COVID-19 case dahil sa pagpasok ng Delta variant sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa mga tinitingnan nila ang dagdagan ang supply ng oxygen sa mga ospital na posibleng mapuno muli ng mga COVID-19 patient.

Aniya, inabisuhan na rin nila ang mga ospital na magdagdag ng mga kama para sa mga pasyenteng tatamaan ng COVID-19.


Maliban dito, inatasan na rin aniya nila ang mga Local Governments Unit na paigtingin ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) response.

Sa ngayon, 16 ang naitalang Delta variant sa bansa kung saan 11 ay local cases habang ang lima ay mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs).

Facebook Comments