DOH, maglalabas ng panuntunan para sa COVID vaccination

Maglalabas ang Department of Health o DOH ng mga panuntunan para sa gagawing mass COVID-19 vaccination sa bansa.

Kasunod ito ng pag-aanunsyo ng ilang Local Government Units (LGUs) ng kani-kanilang plano sa vaccination program, gaya ng suplay ng bakuna, pag-iimbakan nito at proseso sa pagbabakuna.

Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire, ang naturang guidelines ang dapat sundin ng mga lokal na pamahalaan dahil ito ang nakasunod sa protocols ng Health Department.


Nagbabala si Vergeire na kapag hindi nasunod ang kanilang guidelines at framework ay posibleng magkagulo sa pagbabakuna sa bansa.

Umapela naman ang DOH sa LGUs na hintayin na lamang ang guidelines na ilalabas nila sa mga susunod na araw.

Facebook Comments