Maglalabas ang Department of Health (DOH) ng panibagong batch ng time-based recoveries mula sa “Oplan Recovery” initiative ngayong araw ng Linggo.
Ang time-based recovery ay ang mga mild o asymptomatic COVID-19 cases na nakumpleto ang 14-day isolation simula nang nagkaroon sila ng sakit o nakolekta ang kanilang specimen.
Ayon sa DOH, pinalakas ang data collection, validation at reconciliation ng mga datos at impormasyon sa pagitan ng kanilang Central at Regional Office at ng mga lokal na pamahalaan.
Nabatid na ang Oplan Recovery ang dahilan ng higit 4,000 new recoveries na naitala noong July 13 at ang record-high na 38,000 noong July 30.
Facebook Comments