Nakatakdang maglunsad ang Department of Health (DOH) ng information dissemination drive para pabulaanan ang mga maling claims tungkol sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipagtulungan na sila sa mga local government officials para sa pag-arangkada ng information drive sa ikatlong linggo ng Disyembre.
Aniya, kailangang ipaliwanag ng mga health workers ang mga malalang epekto ng bakuna at required ding makakuha ng consent mula sa tuturukan ng bakuna sa oras na maisagawa na ang mass vaccination.
Una nang inanunsyo ng Facebook na tatanggalin nila ang mga maling impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccine na ipino-post sa social media site.
Facebook Comments