Publiko, pinag-iingat ng PNP laban sa budol-budol gang ngayong holiday season

Inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa budol-budol gang.

Ito ay habang papalapit ang Pasko at inaasahang marami ang lalabas para mamili ng mga pagkain, gamit at mga pangregalo.

Paalala ng PNP, huwag magdala ng malaking halaga ng pera.


Iwasang magsuot ng mamahaling alahas na mainit sa mata ng kawatan.

Iwasang makipag-usap sa mga hindi kilala at huwag tatanggap ng kahit ano mula sa estranghero.

Ang budol-budol ay isang uri ng modus kung saan ipinapakita sa biktima ang isa o higit pang bundle ng pekeng pera para maakit itong magtiwala sa kawatan.

Karaniwan din umano itong sinasabayan ng hipnotismo.

Facebook Comments