DOH, magpapadala ng medical supply at dagdag na pondo sa Mindanao dahil sa COVID-19 case surge

Magpapadala ang Department of Health (DOH) ng mga gamot, Personal Protective Equipment (PPE) at dagdag na pondo para sa mga hospital na nasa COVID-19 hotspot sa Mindanao kasunod ng pagtaas ng COVID-19 infections sa rehiyon.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na rin ng kagawaran ang pagpapadala ng karagdagang mga health workers sa Mindanao na magmumula sa Metro Manila.

Aniya, nananatiling nasa moderate risk level pa rin kasi ang mga ospital sa Metro Manila kaya kailangan pa nila itong balansehin.


Ang occupancy rate ng mga Intensive Care Unit (ICU) sa Metro Manila ay nasa 51 percent habang ang isolation beds ay nasa 40 percent.

Ang ICU beds naman sa buong bansa ay nasa 58 percent habang ang isolation beds ay nasa 48 percent.

Facebook Comments