Hihingi na rin ng tulong ang Department of Health (DOH) sa National Bureau of Investigation (NBI) para mahanap ang 2 pang pasahero ng Emirates flight EK 332.
Ang dalawa ay nakasakay sa eroplano ng 29 anyos na Pinoy na kauna-unahang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) para mahingi ang tulong ng NBI sa paghahanap sa dalawang nasabing pasahero.
Maaari aniyang mas mabilis mahanap ang dalawang ito sa database ng NBI.
Sinabi ni Vergeire na hirap silang matunton ang mga ito dahil ang isa rito ang numero na binigay ay ang contact number niya sa abroad, habang ang isa naman ay mali ang ibinigay na numero.
Ang kanilang address naman ay walang numero ng bahay o pangalan ng kalsada kaya hirap silang matunton ng mga otoridad.