DOH, magtatalaga ng mga ‘social mobilizer’ upang maiwasan ang pagkasayang ng mga COVID-19 vaccine

Magtatatalaga ang Department of Health (DOH) ng mga “social mobilizer” sa mga lugar sa bansa na mababa ang COVID-19 vaccine coverage.

Sinabi ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje upang maiwasan ang pag-aaksaya ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Cabotaje, trabaho ng mga social mobilizer ang pagkumbunsi sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na kasabay ang pagpapaliwanag ng benepisyo nito at mga posibleng side effect nito.


Bagama’t sinabi ni Cabotaje na walang eksaktong bilang ng COVID-19 vaccine doses ang mawawalan ng bisa sa Hulyo ay ipinahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mayroong 27 milyong doses ng bakuna ang nakatakdang ma-expire sa naturang buwan.

Mababatid na as of April 1 ay mayroong humigit-kumulang 67 milyong indibidwal na ang fully vaccinated kontra COVID-19, mas mababa ng tatlong milyong sa target ng pamahalaan na 70 milyong indibidwal.

Facebook Comments