17 taong gulang na binata, patay matapos malunod sa isang ilog sa Quezon

269
Courtesy: Peewee Bacuño | Twitter

Patay ang isang 17-taong gulang na binata matapos malunod sa isang ilog sa Lucena City sa Quezon.

Sa ulat ng Lucena City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), ang naturang binata ay lumalangoy kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Dumacaa River nang mapansin na nilang nawawala ang kanilang kasama.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad ngunit nang matagpuan ang binata ay huli na ang lahat.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Lucena City Police sa naturang insidente.

Facebook Comments