DOH, matatatag ng 5 nat’l laboratory para masuri ang nCoV sa bansa

Target ng Department of Health o DOH na magtatag ng limang national laboratory para sa pagsusuri ng 2019 novel coronavirus-acute respiratory disease (2019-nCoV-ARD).

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – hihintay na lang nila ang 2019 nCoV primer at probe set na magmumula sa Japan.

Aniya, maayos nagagamit ang equipment para masuri kung positibo o negatibo sa 2019 nCoV-ARD ang isang pasyente.


Matatandaang sa nakalipas na Linggo, kinakailangan pang magpadala ng sample sa Australia para malaman kung positibo sa nCoV ang isang pasyente.

Facebook Comments