DOH, may 4 na criteria para ituring na ‘persons under investigation’ ang pasyenteng posibleng may nCoV

Mayroong apat na criteria na tinitingnan ang Department of Health (DOH) para maituring na ‘persons under investigation’ (PUI) ang isang taong posibleng tinamaan ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – aalamin nila kung travel history ang pasyente sa China lalo na sa Wuhan City kung saan nagsimulang kumalat ang virus.

Pangalawa, kung siya ba ay nagtatrabaho sa isang ospital sa Wuhan.


Ikatlo, kung na-expose sa isang taong positibo sa sakit.

At panghuli, kung nagpapakita ng sensyale ng respiratory diseases.

Sinabi rin ni Domingo – hindi pa rin nila inaalis ang posibilidad na makapasok ang 2019 n-CoV sa bansa.

Sa ngayon, hindi pa handa ang World Health Organization (WHO) na ideklara bilang public emergency of international concern ang n-CoV.

Facebook Comments