10-days quarantine para sa mga bagong POGO employees, ipinag-utos ng PAGCOR

Ipinag-utos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isailalim sa 10-araw na quarantine ang mga bagong empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO na darating sa bansa.

Ito ay sa gitna na rin ng pagdami ng dinadapuan ng 2019 novel coronavirus.

Ayon sa PAGCOR, pagtalima ito sa utos ng Department of Health (DOH) na mahigpit na i-monitor ang mga Chinese national na nagtatrabaho sa mga POGO.


Sakop ng utos ng PAGCOR ang mga magbabalik-bansang tauhan ng POGO firms, partikular ang mga galing sa mga bansang may positibong kaso ng n-CoV.

Facebook Comments