DOH, may babala sa pag-alis ng paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar

Handa ang Department of Health (DOH) na sumunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Health Secretary Francisco duque III na kung ano ang desisyon ni Pangulong Duterte ay kanilang susundin lalo na’t recommending body lang sila at ang pangulo pa rin ang masusunod.

Pero babala ni Duque, posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 sa mga lugar na dikit-dikit ang mga tao kung aalisin ang pagsusuot ng face shield.


Sa ngayon, ang pinapayagan lang sa hindi pagsusuot ng face shield ay ang mga open spaces at kauti lang ang mga tao.

Facebook Comments