DOH, may paalala sa mga residente na apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Bulusan

Naglabas ng paalala ang Department of Health (DOH) kasabay ng muling pag-alburoto ng Mt. Bulusan.

Ito’y upang masigurong ligtas sa panganib ang bawat isa na lubos na naapektuhan partikular ang mga residente ng Sorsogon.

Ilan sa mga paalala ng DOH ay ang mga sumusunod:
• Manatili sa loob ng bahay. Iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.
• Linisin ang abo sa bubong at alulod ng bahay pagkatapos ng ash fall pero huwag itong gawin kung kailan malakas pa ang pagbagsak ng abo.
• Alamin ang sitwasyon sa kalsada at sumunod sa batas trapiko.
• Ihanda ang emergency bag (Go Bag) kung saan magdala ng sapat na supply ng tubig, pagkain, damit, first aid, at gamot.
• Makinig sa payo ng mga lokal na awtoridad sa susunod na dapat gawin.


Pinapayuhan din ang lahat na magdoble ingat dahil banta rin sa kalusugan ang dulot ng mga abo at mapanganib na usok mula sa Bulkang Bulusan.

Facebook Comments