Davao defense system, activated na kasunod nang nalalapit na inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte-Carpio

72

Simula noong May 27 ay activated na ang Davao defense system, ito’y bilang paghahanda sa nalalapit na inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Davao City Police Major Maria Teresita Gaspan na layon nitong maging maayos, mapayapa at ligtas ang panunumpa ni VP-elect Sara Duterte.

Ayon kay PMaj. Gaspan ang Davao Defense System ay isang tactical at operational strategy kung saan pinaigting ang checkpoint sa lahat ng tri-borders patungo at palabas ng lungsod.


Aniya, lahat ng mga sasakyan at pasahero ay iniinspeksyon.

Sinabi pa nito na nasa 2,000 police personnel ang idineploy para sa naturang aktibidad.

Nabatid na sa June 19, ang oathtaking ceremony ni VP-elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City.



Facebook Comments